Friday, July 30, 2010

KABATAAN

Kami ay sinilang,
Dito sa mundo ng karahasan.
Di pa man kami isinilang,
Kami agad ay may kasalanan.

Ano ba ang dapat gawin
upang kami ay makilala?
Nitong mundo nating
sinasakop na ng mga masasama.

Paano namin maipapakita,
sa mga tao ang aming makakaya?
Kung sila'y walang pakialam,
sa aming mga dinadamdam.

Marami sa amin,
bata pa kung mag-asawa.
Dahil sa hirap ng buhay,
wala naman silang magawa.

Kami daw ay pag-asa ng bayan,
Sana'y aming mapatunayan.
Tutulong kami sa anumang laban,
Upang mapabuti ang takbo ng ating lipunan.

Another poem that i made this day. Wow!!!! i made three poems this week just for my blogs. Anyway i enjoyed much from this activity that our teacher gave us. I made this poem this afternoon. I'm thinking again of what im going to blog for the last time. I entitled it "KABATAAN", because we, the youth are the hope of our country that was our hero describe us filipino youth.

Thursday, July 29, 2010

Bangkang Papel

Bangkang papel laging laruan ng mga bata
Mga maralita, kaya papel lang ang nakita
Ginawa amg kamay, ginamit ang pang-unawa
Tapos na ang bangkang papel, sa tubig ipinadala

Sa presidenteng Arroyo, itoy nagbigay ng kulay
Mga maralitang may pangarap sa buhay
Bangkang papel pinalutang patungong malakanyang
Baka sakaling mapansin ng unang ginang.

Napansin nga't binasa
Madamdaming sulat, hinaing ng mga bata
Kinabukasan nila sakaling gumanda
Pagkatapos napayatas na trahedya.

Jammy Domingo

I've made this poem
because i remeber
i'd like to play paper boat.

ILAW

Ano ang sipag nno nene
Na mag aral sa gabi
Ilaw ay nasa tabi
Antok ay pinapawi

Mahal siya ni nanay
At pati nui tatay
ang talino niyang taglay
Kahanga-hangang tunay

Paliwanag niyang minsan:
Talagang ako'y nawiwili
Sa aking pag-aaral sa gabi
Mayroon kasi akong bantay
Ang ilaw na siya kong patnubay.


Jammy Domingo

I make this poem together with my mom because
Being a mother Is not a simple job: its very hard
I dedicate these poem to all mom in the world.

ILAW

MY LOVE

She looks as fresh as daisy
With lips as red as a rose
Her hair is as black as midnight
Her eyes as gentle as a doe's.

She is light as a feather
As innocent as a dove
As playful as a kitten
This baby daugther I LOVE YOU



Jammy Domingo

I've made this poem as well
as my mom. I have a kitten.this kitten is very lovable.

ANG AKING INSPIRASYON

Ang aking inspirasyon. . .
Siya ay ang ating PANGINOON.
Inilalayo niya tayo sa lahat ng masama
Ginagabayan tayo, gabi man o umaga.

Ang aking inspirasyon. . .
Sila ay ang ating MAGULANG.
Inaruga tayo mula pagkabata
Hanggang sa paglaki, sila'y sumusuporta.

Ang aking inspirasyon. . .
Siya ay ang aking MAHAL.
Kapag siya ay aking nakita,
Mga problema ko'y lahat nabubura.

Ang aking inspirasyon. . .
Sila ay ang aking mga KAIBIGAN.
Nandyan sila palagi, 'di nawawala,
Katulong ko sa paglutas sa aking mga problema.


I've made this poem last night when i was thinking again of what i'm going to blog for this day. Everyone of us has each own inspiration. Our inspiration's in makes us to pursue a task because they are like an energy drink that make us keep strong whenever we fell down.


--Mike Timothy L. Oreña

Monday, July 26, 2010

PROBLEMA

Marami akong mga problema ngayon
Pero 'di ko mailabas
Marami sigurong solusyon
Pero 'di ko maibigkas

Ano nga ba ang solusyon
sa problema kong ito?
Wari'y di ko na kayang
dalhin pa ang mga ito.

Kung ikaw ba ay aking maaasahan
Sa problema 'kong pinapasan,
Bibigyan mo ba ako ng sagot
Nitong pinapasan kong bangungot.

Ano nga ba ang solusyon
sa problema kong ito?
Iiyak na lamang ba ako
o kaya ako'y magkukulong.

Alam kong lahat tayo ay may problema
At mas mabigat pa kaysa sa aking dinadala.
kahit mga baliw ay may problema
Pati na rin ang mga bata.

Ano nga ba talaga ang solusyon
sa problema kong ito?
Ito'y sasabihin ko sa iyo
At sana ako ay matulungan mo.


This poem that i blog is my own work. Ive created this poem this afternoon when i have a free time. When i was thinking of what i am going to blog for today, i think of a poem and entitled it as "PROBLEMA". There are many problems of mine but i hide them. I am a jolly person, i didn't share any problems but many of my friends shared their problems to me in return i give my own personal advice. ( July 26, 2010)

---------Mike Timothy L. Oreña