Monday, July 12, 2010

KAILAN KAYA?

Kailan kaya? Kailan kaya?
Ako'y sasagutin ng aking sinisinta
Sapagkat di' ko na mapigilan pa
Itong aking nadarama para sa kanya

Kapag siya ay dumaan
sa aking harapan
Di' ko mapigilan ang aking ngiti at kaba
Siya ang pumapawi ng aking lungkot na nadarama

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Sapagkat itong puso ko'y sayo na ay nabaling
Ibig ko lang naman ikaw ay angkinin
Oh, aking sinta ikaw ang s'yang tangi kong hinihiling

Kaya't ako ay nagtanong, "kailan kaya? kailan kaya?"
Ako ay iyong sasagutin?
Huwag sanang paasahin
Itong puso kong ikaw ang nais makapiling.


Ive created this poem when im in 1st year college. When i had a crush. She is my inspiration to do this poem.

- Mike Timothy OreƱa BEEd-III

No comments:

Post a Comment