Thursday, July 15, 2010

MAGING AKIN MULI (lyrics by Arnel Aquino SJ)

Manlamig man sa akin puso mong maramdamin
Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw
Manginig man sa takot masindakin mong puso
Magulap man sa lungkot diwa mong mapagimbot

Chorus:
Kapiling mo akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pagibig kong ito isang pananabik sa puso ko
Sa'yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging akin muli

Di mo rin akalain tinig moy hanap ko rin,
Ang 'yong tuwa at sakit, Aking galak at pait.
Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob,
Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao

(repeat chorus)

This is the lyrics of my favorite christian song. It is sung by himig heswita. It is an inspiring song to me because it made a great impact in my life. This is one of the reason why i have a properly molded character and morale. You should hear it for yourself. . .

- Mike Timothy L. Oreña BEEd - III

No comments:

Post a Comment